Senador, pinamamadali ang DFA para sa repatriation ng mga Pinoy na biktima ng human trafficking sa Cambodia

Kinalampag ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na madaliin ang pagpapauwi sa mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Cambodia.

Ang mga Pilipinong biktima ng isang Chinese mafia sa isang probinsya sa Cambodia ay ginagamit para mang-scam ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pag-i-invest sa cryptocurrency.

Kamakailan ay nailigtas ang mga ito ng Cambodian authorities sa pakikipagtulungan ng Emabahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ngunit hindi pa makauwi ng bansa ang mga biktima bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.


Dahil dito, nanawagan na si Hontiveros sa DFA na bilisan ang pagkilos para sa repatriation ng mga kababayang survivors ng human trafficking.

Giit ng senadora, mayroon namang pondo para agad na mailigtas ang ating mga kababayan tulad ng legal assistance fund na mula sa gobyerno.

Nangako naman si Hontiveros na isasama niya sa susunod na pagdinig ng Senado ang isyu ng pagpopondo sa “Assistance to Nationals” na dapat sana’y agad na nakakatugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong nahaharap sa mga isyu at kaso sa abroad.

Facebook Comments