Monday, February 2, 2026

Senador, pinamamadali ang dilg sa information dissemination tungkol sa pagbabawal sa mga “epalitiko” sa pamamahagi ng ayuda

Pinamamadali ni Senator Erwin Tulfo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpapakalat ng impormasyon na naglilinaw sa pagbabawal sa mga politiko na makialam sa pamamahagi ng ayuda.

Giit ni Sen. Erwin, malinaw sa 2026 General Appropriations Act na hindi pinapayagan ang presensya ng sinumang politiko.

Agad na pinaaaksyunan ni Tulfo ang tungkol sa mahigpit na implementasyon ng anti-epal provision upang hindi magamit sa eleksyon.

Naglabas naman ang DILG ng memorandum circular na nagbabawal maglagay ng pangalan o larawan ng mga opisyal ng gobyerno sa anumang proyekto na pinondohan ng pamahalaan.

Samantala, nauna namang kinalampag ni Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para naman padaliin ang pagkuha ng ayuda ng mga kababayan at ipatigil na rin ang panghihimasok dito ng mga politiko.

Facebook Comments