Senador, pinatitiyak sa pamahalaan ang ligtas na pagpapalaya sa 17 pinoy seafarers na hostage ngayon ng Houthi rebels

Pinakikilos ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan para sa ligtas na pagpapalaya sa 17 Pinoy seafarers na lulan ng Israel-cargo ship matapos i-hostage ng Houthi rebels ng Yemen.

Partikular na nanawagan si Gatchalian sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na magtulungan para sa ligtas na pagpapalaya sa hostages sa lalong madaling panahon.

Ipinalalatag ng senador ang agad na repatriation sa Pinoy seafarers at pinatutulungan din sila para sa pangkalahatang distressing para makabalik sa normal na pamumuhay.


Sinabi ni Gatchalian na lubhang nakababahala ang insidente at kailangang ang pangunahing focus muna ng gobyerno ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga na-hostage na kababayan.

Binigyang-diin pa ng senador ang malalimang imbestigasyon upang malaman ang motibo sa pangho-hostage ng rebeldeng grupo ng Yemen at pagtiyak na mapapanagot ang mga ito sa kanilang naging aksyon.

Facebook Comments