National Information Summit ng Malacañang, naging matagumpay

Matagumpay na naisagawa ng Malacañang ang National Information Summit sa Pasig City mula November 21 hanggang November 22.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), layunin ng pagtitipon na i-update ang Philippine Information Agency (PIA) kaugnay sa mga inisyatibong ginagawa ng gobyerno.

Ang summit ay sumentro sa media literacy at paggamit ng teknolohiya para sa pagbibigay ng impormasyon.


Suportado naman ng PCO ang grassroots communication efforts ng PIA na layong itaguyod ang inclusive governance sa pamamagitan ng mas madaling access sa impormasyon.

Facebook Comments