Senador, suportado ang bagong hakbang sa pagkontrol ng paglobo ng populasyon

Suportado ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pagbalangkas ng Philippine Commission on Population (POPCOM) ng mga bagong hakbang para makontrol ang pagdami ng populasyon sa bansa at sa buong mundo.

Kabilang sa isinusulong na pamamaraan para sa pagkontrol sa pagdami ng mga tao ang non-scalpel vasectomy.

Gayunman, iginiit ni Go na hindi dapat gawing mandatory ang pagpapatupad ng hakbang na ito at gawin lamang ito bilang opsyon ng mga kalalakihan.


Mungkahi ng senador sa POPCOM, maglunsad ito katuwang ang Department of Health (DOH) ng education campaign upang maipaliwanag sa lahat ang mabuting dulot ng vasectomy.

Marami aniya sa mga lalaki ang posibleng mag-alinlangan sa posibleng side effect ng vasectomy kung hindi nila mauunawang mabuti ang medical procedure na ito.

Una nang nabahala ang POPCOM sa mabilis na paglobo ng populasyon sa mundo na ngayon ay umaabot na sa walong bilyon.

Facebook Comments