Pagpapatuloy ng TCT program ng DSWD, hindi pa matukoy ng gobyerno

Kinakailangan munang mag-usap ang mga opisyal ng Department of Budget and Management o DBM, Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority o NEDA.

Ito ay para malaman kung makapaglalaan pa nang panibagong pondo ang gobyerno para sa Targeted Cash Transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang inihayag ni DSWD Usec. Edu Punay sa Laging Handa briefing.


Aniya, anim na buwan lamang ang itatagal ng TCT Program matapos na maglaan ang gobyerno ng panibagong P5.2 bilyong para sa 2.4 na mahihirap na pamilyang Pilipino.

Layunin ng gobyerno na makatulong pa rin sa mga mahihirap na pamilya na lubhang apektdo ng pagtaas ng inflation, pagtaas ng fuel at pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng TCT program, kada buwan ay tatangap ang bawat pamilya ng tig-P500 sa loob ng anim buwan.



Facebook Comments