Monday, February 2, 2026

Senador, suportado ang tanggal epal na politiko sa mga billboards

Sinusuportahan ni Senate President pro-tempore Ping Lacson ang hakbang ng ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatanggal ang mga pangalan at mga larawan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga proyekto.

Kasunod na rin ito ng inilabas na memorandum circular ng DILG kung saan ipinagbabawal ang pagpapaskil o paglalagay sa mga karatula ng mga proyekto ng gobyerno ng pangalan, larawan, imahe, slogan, color motif, initials o anumang simbolo na may kinalaman sa sinumang opisyal o politiko.

Iginiit ni Lacson na walang lugar sa serbisyo publiko ang mga “epal” na billboards na may pangalan at mga mukha ng mga politiko at maaari pa itong magpahiwatig ng overpricing hindi lamang sa mismong proyekto kundi pati na rin sa billboard na nag-po-promote nito.

Kinatigan din ng senador ang posisyon ng ahensya na ang mga government programs ay pinondohan ng mga taxpayers at kinakailangang magpakita ito ng public service at hindi political credit grabbing.

Umaasa rin ang senador na sa pagsusulong ng paghihigpit laban sa mga galawang epal na politiko ay maiiwasan na ang mga pangaabuso at political patronage sa mga programa at sa budget.

Facebook Comments