MANILA – Ayaw pa magsalita ng tapos ni Senador Tito Sotto kaugnay sa pag-upo bilang susunod na senate president.Sa interview kay Sotto, ipinaliwanag niya na marami pang pwedeng mangyari at isa lang naman siya sa mga pinagpipilian na maging senate president.Ipinaliwanag niya na hindi nila prayoridad ang maging senate president sa halip ay matiyak na pare-pareho sila ng adbokasiya ng kanyang mga kagrupong senador.Kabilang din si Senador Koko Pimentel sa mga pinagpipilian ng kanilang grupo na suportahang umupo bilang susunod na lider ng senado.Kabilang din sina Incumbent Senate President Franklin Drilon at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa mga posibleng mamuno sa senado ngayong 17thCongress.
Facebook Comments