Senador, tiwalang madaragdagan ang suporta sa Pilipinas ng ibang mga bansa matapos ilabas ng China ang bagong 10-dash line map

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na makakukuha ang Pilipinas ng dagdag na suporta mula sa mas marami pang mga bansa.

Ito ay dahil sa inilabas na bagong 10-dash line map ng China kung saan umabot na hanggang sa bahagi ng Batanes ang sinasakop na teritoryo.

Aminado si Zubiri na nagulat sa hakbang na ito ng China.


Maliban sa bansa ay apektado at tila sinakop na rin ng China sa kanilang 10-dash line map ang bahagi ng teritoryo ng India, Indonesia, Malaysia at Vietnam.

Dahil dito, naniniwala ang senador na sa ginawang ito ng China ay mas mapapatibay ang suporta para sa arbitral ruling na hindi kumikilala sa naunang 9-dash line claim ng China sa West Philippine Sea.

Nangako naman si Zubiri na ipaprayoridad ng Mataas na Kapulungan na maipasa agad ang panukalang Philippine Maritime Zones Bill na magpapatibay sa sakop na Exclusive Economic Zone at continental shelf ng bansa.

Facebook Comments