NDRRMC, nakapagtala ng isang nasawi dahil sa #GoringPH

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Goring.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, sinabi na ito ay kukumpirmahin pa kung may kinalaman talaga sa bagyo.

Nabatid na ang napaulat na nasawi ay ang dating nawawala.


Maliban sa napaulat na nasawi, wala naman nang napaulat na nasaktan o nawawala.

Samantala, lalo pang tumaas ang mga apektado ng bagyo na ayon sa NDRRMC ay umabot na sa 106,677 na pamilya o katumbas ng 387,242.

Facebook Comments