Hiniling ni Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe sa Manila International Airport Authority (MIAA) na magkaroon ng information dissemination at assistance para sa publiko hinggil sa paglilipat ng lahat ng domestic flights sa NAIA Terminal 2.
Suportado ng senadora ang paglilipat ng domestic flights para ma-maximize ang kapasidad ng ating airports at mas mabigyan ng ginhawa ang mga byahero.
Sa kabilang banda, umapela si Poe na paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon at pagbibigay ng assistance sa publiko tungkol dito lalo’t posibleng malito o manibago ang mga pasahero sa nasabing pagbabago.
Ang mga airport officials at airlines ay kailangang may tuluy-tuloy na koordinasyon para matiyak ang seamless transition sa paglilipat ng mga domestic flights.
Umaasa si Poe na ang bagong terminal assignments ay makapagbibigay ng tunay na maayos at episyenteng ‘airport experience’ para sa mga byahero.