Friday, March 20, 2026

Senador, umapela ng suporta sa mga kasamahan para sa agarang pag-apruba ng panukalang pag-institutionalize sa AICS program

Hiniling ni Senator Erwin Tulfo ang suporta ng mga kasamahan upang aprubahan ang pag-institutionalize ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang sponsorship speech, idiniin ni Tulfo na prayoridad ang panukala sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ang mga indibidwal at pamilyang nakaranas ng krisis ay maaaring makatanggap ng tulong gaya ng financial assistance para sa mga agarang pangangailangan tulad ng funeral assistance, transportation assistance, medical assistance, educational assistance, at iba pang ayuda.

Kasama rin dito ang material assistance, psychosocial support, at referral services.

Pinatitiyak ni Sen. Erwin Tulfo na oras na maging batas ito, ay walang Pilipinong maiiwan sa pagbibigay ng tulong, lalo na kung nasa gitna ng matinding pagsubok.

Upang maiwasan ang pang-aabuso, may probisyon din sa panukala na nagbabawal sa lahat ng elected officials, political parties, o kandidato na makialam o mangimpluwensya sa pamamahagi ng tulong at gamitin ito sa pansariling interes.

Facebook Comments