Senador, umapela para sa pangangailangan ng mga taga-Pag-asa Island

Nanawagan si Senator Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa Senado na bigyang pansin ang mga residente ng Pagasa Islands lalo na ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sa privilege speech ni Estrada, sinabi nito na hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at remote ng Pagasa Island upang pabayaan ang mga nakatira roon.

Ipinaalala ni Estrada na moral obligation ng mga public servants na tiyaking may access ang mga residente ng Pagasa sa basic necessities tulad ng edukasyon, healthcare at livelihood.


Sa datos, kabuuang 350 ang sibilyang nananatili sa Pag-asa Island, kabilang na ang 73 bata.

Kinatigan naman ni Senate President Migz Zubiri ang apela ni Estrada at tiniyak na sa pagbalangkas nila ng 2024 national budget ay mabuhusan ng dagdag na pondo ang isla para sa kanilang mga imprastraktura at serbisyong kinakailangan.

Facebook Comments