Ilang produkto na galing Davao, mabibili rin sa Kadiwa on Wheels sa Parañaque City

Binuksan na ngayong araw ang Kadiwa on Wheel sa Phase 1, (PHIMRA) Brgy. Moonwalk, Parañaque City.

Bukod sa mga murang gulay, tulad ng talong na ₱40 kada kilo, kalabasa na ₱20 kada kilo ay mabibili rin ang mga prutas galing sa Davao tulad ng Lakatan Davao na ₱80 kada kilo at Avocado Davao na ₱150 kada kilo.

Ayon sa ilang farm owner, nananatiling matatag at halos walang paggalaw sa presyo ng lowland vegetable.


Samantala, available din sa Kadiwa on Wheels sa Phase 1, (PHIMRA) Brgy. Moonwalk ang puti at pulang sibuyas na ₱150 kada kilo.

Facebook Comments