MANILA – Bibisita ngayong araw sa Mindanao si Senadora Grace Poe para alamin ang kalagayan ng mga residente sa Iligan at Cagayan de Oro.Kasabay nito, ilalatag ni Poe ang kanyang mga plataporma para masolusyunan ang kahirapan sa mga liblib na lugar sa naturang mga probinsya.Una nang ipinangako ni Poe sa kanyang pag-upo sa pwesto bilang pangulo ang pagtapos sa ‘endo’ o contractual system ng mga manggagawa.Mula sa Iligan Public Market, bibisita din si Poe sa mga bayan ng Initao, Misamis Oriental at makikipagpulong sa mga opisyal ng Gingoog, Jasaan, Claveria at Villanueva.Matapos ito ay pupunta siya sa Cagayan de Oro City Market para sa isang proclamation rally.
Facebook Comments