MANILA – Naniniwala si Senadora Grace Poe na kabuhayan at hindi kamatayan ang solusyon sa lumalalang krimen sa bansa.Aniya, sa ilalim ng ‘Gobyernong May Puso’ hindi karahasan ang sagot sa problema sa peace and order at paglobo ng bilang ng krimen.Ito ay ang paglikha ng permanenteng trabaho at pagbibigay ng kabuhayan para sa mga mamamayan lalung-lalo na sa mga nasasadlak sa kahirapan.Ayon sa kanya, ang paglala ng kriminalidad at ang suliranin sa inseguridad ay mga sintomas lang ng napakalalang sakit ng kahirapan.Ang solusyon ay hindi kailangang marahas, kundi epektibo tulad ng paglikha ng isang milyong trabaho at pagwawakas ng sistemang endo— na unang niyang gagawin sakaling siya ay papalaring maging pangulo ng bansa.
Facebook Comments