MANILA – Pinarangalan si Senadora Leila De Lima bilang isa sa global thinkers ng isang foreign policy magazine.Kinilala ng dayuhang magazine si De Lima sa katapangan nito bilang mabigat na kritiko ng kampanya ng administrasyong Duterte at pakikibaka kontra sa extra judicial killings.Dahil sa natanggap na parangal, ayon kay De Lima, patuloy niyang ipaglalaban ang adbokasiyang protektahan ang karapatang pantao.Ipinanawagan din ng senadora sa international community, bantayang mabuti ang human rights violations at EJK sa giyera kontra droga ng pamahalaan.Sinabi rin ni De Lima, nasa kamay ni Pangulong Duterte ang pagsugpo sa sinasabing EJK sa Pilipinas.Samantala … Diretso naman si De Lima sa Berlin, Germany bilang human rights spekaer.Nakatakdang umuwi sa Pilipinas si De Lima sa December 20.
Senadora Leila De Lima, Pinarangalan Ng Isang Foreign Policy Magazine
Facebook Comments