Senate Bill para sa COVID-19 vaccine purchase, in-adopt ng Kamara

In-adopt ng Kamara ang panukalang bersyon ng Senado na layong pabilisin ang pagbili at paggamit ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng ₱500 million indemnity fund.

Sa ilalim ng Senate Bill 2057 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, pabibilisin nito ang procurement ng mga bakuna na hindi na dumadaan sa mahabang proseso ng public bidding.

Ang panukalang batas ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.


Ang Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19 ang mangangasiwa sa negosasyon sa COVID-19 vaccine procurement, maging sa supply, storage, transport at distribution.

Ang indemnity fund ay gagamitin sa mga indibidwal na nabakunahan na makararanas ng adverse effects.

Pinahihintulutan din ng panukalang batas ang mga Local Government Unit na bumili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng multiparty agreements.

Matatandaang sinertipikahang urgent measure ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments