Senate committee on justice, irerekomenda ang 12 anyos na minimum age of criminal responsibility

Manila, Philippines – Desidido na si Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon na irekomenda ang pagbaba sa dose anyos ng minimum age of criminal responsibility mula sa kasalukuyang kinse anyos.

Paliwanag ni Gordon, hindi pa naman tayo kahanay ng higit na mauunlad na mga bansa na may mas mababa sa dose na minimum age of criminal responsibility.

Naniniwala din si Gordon na ang mga edad 12 taong gulang ay may kakayahan nang umunawa sa tama at mali.


Plano ni Senator Gordon na maglabas ng committee report sa susunod na linggo.

Kasama din sa rekomendasyon ni Gordon ang ilang ammendments sa juvenile justice and welfare act para matiyak ang pagtatayo ng sapat na bilang ng bahay pag-asa at maayos na operasyon o pamamahala dito.

Facebook Comments