Manila, Philippines – Sinimulan na ngayon ng Senate Electoral Tribunal o SET ang recount ng mga balota na kasama sa electoral protest ni dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino laban sa pagkapanalo ni Senator Leila De Lima noong 2016 elections.
635 na ballot boxes mula sa 25 mga probinsya ang kasama sa recount.
Kabilang sa mga lalawigan ang Cebu, Bulacan, Iloilo, at Nueva Ecija.
Bukod dito ay inatasan na rin ng SET ang mga embahada at konsolada ng Pilipinas sa 12 bansa na ingatan ang data ukol sa overseas absentee voting.
Si tolentino ay natalo ng 1.2 milyong boto kay De Lima na pumwesto sa pang-labindalawang senador na nanalo sa nagdaang elections.
Facebook Comments