Pagkatapos ng Holy Week na itutuloy ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon sa ukol sa 34 na nawawalang mga sabungero at operasyon ng E-sabong.
Ayon kay Committee Chairman Senator Ronald Bato dela Rosa, magpapatuloy ang kanilang ika-4 na pagdinig sa April 18.
Sabi ni Dela Rosa, may mga tanong pa sila o gustong maliwanagan at mayroon pang mga resource person na dapat maiprisinta at makapagbigay ng testimonya hinggil sa kaso ng iba pang nawawalang sabungero.
Binanggit ni Dela Rosa na maaring ito na ang maging huli nilang pagdinig dahil marami na silang nailabas na detalye at nasa kamay na ng mga awtoridad ang pag-iimbestiga pagdating sa criminal aspect hinnggil sa pagkawala ng mga sabungero.
Kumbinsido naman si Dela Rosa na sa ngayon ay maituturing na illegal ang operasyon ng E-sabong dahil wala pang batas hinggil dito.