Babaeng Pulis na Nakakuha ng Prestigious Award sa Cauayan City, Gustong Maging Imahe ng PNP

Cauayan City, Isabela- Ikinagagalak at malaki ang pasasalamat ni PMaj Esem Galiza, Chief of Invest and Operation ng Cauayan City Police Station na siya ang napili bilang Most Outstanding Proud CauayeƱo sa larangan ng Law Enforcement sa Lungsod ng Cauayan na iginawad noong Cityhood Anniversary ng Syudad.

Ayon kay Galiza, isang prestihiyosong parangal ang kanyang natanggap na dumaan sa masusing screening kaya labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanya lalo na sa kanyang mga kasamahan sa PNP at sa kanyang pamilya na nagsilbi nitong inspirasyon sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa publiko sa loob na rin ng labing pitong taon.

Kaugnay nito ay sinabi ni Major Galiza na dahil sa natanggap nitong parangal ay malaking hamon ito para sa kanya dahil gusto nitong magsilbing imahe ng mga pulis na isang matuwid, maaasahan at madaling lapitan.

Ibinahagi rin ni Major Galiza na ilan sa mga naging batayan ng LGU Cauayan sa pagbibigay ng naturang parangal ay dahil sa kanyang mga naging accomplishments noong siya ay pinuno pa ng PCR at WCPD section ng PNP Cauayan na malaking ambag sa hanay ng pulisya ganun na rin sa peace and order ng Lungsod, mga magagandang adbokasiya, at ang kanyang pagiging matulungin.

Facebook Comments