Matapos ang limang pagdinig ay tinuldukan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa Bureau of Immigration o BI bribery scandal.
Ayon kay Committee Chairman Senator Richard Gordon, malinaw na lumabas sa hearings na ang naganap ay extortion o pangingikil at hindi bribery.
Sabi ni Gordon, malinaw na sina dating BI associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles ay nanghingi ng salapi sa kampo ni gambling tycoon Jack Lam.
Patunay daw nito na hinintay pa ng dalawa sa City of Dreams hanggang madaling araw ang 50-million pesos mula kay retired police Supt. Wally Sombero.
Sa nasabing salapi ay 18-million pesos umano ang napunta naman kay dating BI Intelligence Chief Charles Calima.
Hindi pumasa kay Gordon, ang argumento nina Argosino at Robles na itinago nila bilang ebidensya ang nabanggit na salapi.
Giit ni Gordon, dapat yun ay ini-report nila agad sa halip na itinago at inilutang lang ng mabuking at makarating na sa media.
Naniniwala si Gordon, na ang nasabing pera ay nagmula naman sa mga operators ng negosyo ni Jack Lam.
Wala namang nakikitang masama si Gordon kung kumubra ng hiwalay na 10-milyong piso si Sombero na nagmula din umano sa kampo ni Jack Lam.
Inabwelsto naman ni senator Gordon, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa anumang pagkakasala dahil wala aniyang ebidensya na magsasabing may alam sya sa nangyaring extortion.
Wala ding masama para kay Gordon ang ginawang pagkikopagpulong ni Aguirre kina Jack Lam na ang concern lang naman ay ang kapakanan ng 1,300 Chinese niyang empleyado na inaresto.
Samantala, Hindi naman natuloy ang bantang contempt ng komite at pagpapakulong sa Pasay City Jail kay Robles na kanina sa pagdinig ay nanindigan sa pag-invoke ng right against self-incrimination dahil may criminal charges na raw siyang kinakaharap at labis na siyang napapahiya sa pagdinig ng senado.
Facebook Comments