Senate investigation sa mismanagement ng DOH sa COVID funds, kasado na sa susunod na lingo

Kasado na ang imbestigasyon ng Senado ukol sa umano’y maling paggamit ng Department of Health (DOH) sa mahigit P67 billion na pondong inilaan dito na pantugon sa COVID-19 pandemic sa ilalim ng 2020 national budget.

Batay sa abiso na inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, gagawin ang pagdinig sa Miyerkoles, August 18.

Pangunahin sa mga pinadalhan na ng imbitasyon ng komite ay si Health Secretary Francisco Duque at iba pang opisyal ng DOH.


Inaasahang isasagawa ang buong pagdinig sa virtual na paraan kung saan lahat ay naka video conference dahil sarado ang gusali ng Senado habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Facebook Comments