Senate majority, pumirma na ng resolusyon para imbestigahan ang mga pang-aabuso sa ilalim ng giyera kontra droga

Manila, Philippines – Nagkasundo ang mayorya ng senado na imbestigahan ang kaso ng pang-aabuso ng mga awtoridad sa war on drugs.

Kabilang na rito ang pagpatay sa menor de edad na si Kian delos Santos.

Sa nangyaring caucus kagabi, mula sa 17 miyembro ng mayorya, 14 ang pumirma sa resolusyon na layong mag-imbestiga sa mga nasabing kaso.


Kabilang sa mga lumagda ay sina:
Senate President Koko Pimentel, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Tito Sotto, Panfilo Lacson, Richard Gordon, Grace Poe, Sonny Angara, JV Ejercito, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Sherwin Gatchalian.

Nag-commit namang pumirma sina Senador Nancy Binay at Francis Escudero.

Ang mga testimonya ng mga testigo at kuha ng CCTV ay ikinukunsidera rin sa resolusyon.

Nakatakdang ipasa ang resolusyon sa Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Lacson.

Facebook Comments