Manila, Philippines – Nagbabala si Senate Minority Leader Franklin Drilon kaugnay sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na putulin ang kontrata ng gobyerno sa Busan Universal Rail, Inc. (BURI).
Kasunod ito ng nararanasang sunod-sunod na aberya sa operasyon ng MRT-3 na isinisisi sa BURI.
Sa pagdinig ng Senado kanina, sinabi ni Drilon na hindi siya komportable sa nasabing plano ng DOTr dahil maaari lang nitong mapalala ang sitwasyon at maapektuhan ang pagbibigay serbisyo ng MRT sa publiko.
Kasabay nito, pinayuhan ni Drilon ang DOTr na pag-aralan munang mabuti ang sitwasyon bago ituloy ang termination ng kontrata.
Facebook Comments