Manila, Philippines – Pinuri din ng Senate Minority Bloc si Pangulong Rodrigo Duterte matapos lagdaan ang free tertiary education act.
Kasabay nito ay tiniyak ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tutulong ang kanilang grupo para mahanapan ng pondo ang nabanggit na batas.
Itinatakda ng batas ang pagkakaloob ng libreng matrikula sa mga estudyante sa state colleges and universities, local universites and colleges at mga vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Katwiran ni Drilon, hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas kung hindi ito mahahanapan ng kaukulang budget.
Kasabay nito ay umapela si Drilon sa mga economic managers ng pangulo na tumulong din sa paglalaan ng pondo para sa nabanggit na batas.
Maliban kay Drilon, kabilang sa bumubuo sa Senate Minority Bloc ay sina senators Francis “Kiko” Pangilinan, Benigno “Bam” Aquino IV, Leila De Lima, Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros.
Senate Minority, nangakong tutulong para mapondohan ang free tuition sa SUCs
Facebook Comments