Operasyon ng kapulisan sa Iligan laban druga nagpapatuloy kahit pa sa kagulohang nangyayari sa Marawi

130

Iligan City, Philippines – Nilinaw ni Iligan PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na hindi nila maaaring itigil ang pagsumpo ng illegal na druga sa lungsod. Alinsunod din ito sa panawagan ng kanilang bagong regional director na ipagpapatuloy umano ang operasyon ng kapulisan laban sa druga at paiigtingin pa ang operation tokhang at double barrel reloaded. Ayon kay Ga, kahit naka-focus ang kanilang atensyon ngayon sa pagpapaigting ng seguridad dahil sa nangyaring kagulohan sa lungsod ng marawi patuloy pa rin ang kanyang mga tauhan sa pagtugis sa mga taong sangkot sa illegal na druga. Araw-araw naman umano ay may accomplishment at mahuhuli ang kanyang mga tauhan sa bawat police station hinggil sa patuloy na operasyon ng kapulisan laban sa druga. Sinabi ni Ga, hanggat may mga taong sangkot sa illegal na druga patuloy rin ang kanilang operasyon laban sa mga ito basi sa kautosan at kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte. (GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC, ILIGAN)

Facebook Comments