Senate President Juan Miguel Zubiri, tiniyak na magiging “assertive” o matapang na ang paraan ng pamumuno

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mas magiging assertive o mas matapang na ang paraan ng kanyang pamumuno sa Senado sa pagbabalik sesyon ngayong Hulyo.

Kaugnay na rin ito sa pagsita ng ilang mga beteranong senador sa kawalan ng decorum ng ilang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Zubiri, narerendahan o napagsasabihan naman niya ang mga senador sa mga dapat na ikilos sa loob ng Senado.


Aminado si Zubiri na iba ang istilo ng kanyang leadership kaya naiisip ng iba na sobra na siyang mabait sa mga kapwa senador.

Nilinaw naman ng Senate president na nitong mga nagdaang sesyon ay nagkaroon ng “revenge visit” ang Senado sa dami nang gustong pumunta matapos ang pandemya kaya kapag maingay na sa likod ng session hall ay sinususpindi niya ang sesyon at pinaaalalahanan ang mga bisita sa mga rules.

Sinabi ni Zubiri na hindi siya nagbigay ng reaksyon sa naging puna ni dating Senate President Franklin Drilon dahil mataas ang paggalang niya rito at hindi rin aniya siya napikon bagkus ay kinuha niya ang payo ng dating senador tulad ng isang nakakatandang kapatid.

Facebook Comments