Nagpahayag ng suporta si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa pagpapatibay ng Freedom of Information (FOI) Bill matapos magsabi ang Pangulong Bongbong Marcos ng kagustuhan na maipasa ito sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Legarda na bilang isang dating mamamahayag at ngayon ay senador ay alam niya ang kahalagahan ng tamang impormasyon.
Para sa senadora, walang puwang sa ating lipunan ang misinformation o disinformation dahil ito ay nakasisira.
Aminado rin si Legarda na istrikto siya sa lahat ng mga impormasyon o mga dokumento na dumadaan sa kaniyang opisina ultimo grammar.
Aminado si Legarda na may pagkakataon na may mga nangyayaring pagkakamali dahil tao lamang ngunit kinakailangan pa ring mag-ingat.
Facebook Comments