Senate President Tito Sotto III, hindi papayagan ang reenacted budget sa 2026

Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na hindi dapat payagan na mangyari ang pagkakaroon ng reenacted na budget.

Ang reaksyon ay kaugnay na rin sa tanong kung posibleng mauwi sa reenacted ang 2026 national budget dahil makailang beses na itong nabinbin sa plenaryo sa iba’t ibang kadahilanan.

Binigyang-diin ni Sotto na hindi dapat payagan na ma-delay ang pagamyenda at pagapruba sa budget dahil kung mangyayari ito, mauuwi ito sa reenacted budget at ang reenacted na pambansang pondo ang maituturing na pinaka-korap na national budget.

Kung matatandaan binawasan ng Senado ng P68 billion ang unprogrammed funds sa 2026 dahil natukoy sa imbestigasyon na ito ang ginamit noon sa mga ghost flood control projects.

Noong nakaraang linggo ay nadelay ng isang araw ang deliberasyon sa budget dahil hindi pa natapos ang debate sa Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND) at ngayong Linggo ay muling nabitin ang period of amendments ng budget matapos na magkasunog naman noong umaga ng Linggo.

Facebook Comments