Tiwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mananagot sa batas ang mga inirekomenda ng Senate Committee of the Whole, na kasuhan kaugnay ng mga nagaganap na anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kabilang na si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Sotto, mabusisi ang kanilang ginawang imbestigasyon, at naniniwala siyang matibay ng kanilang mga ebidensiya laban sa mga inirekomendang kasuhan.
Binigyang-diin din ni Sotto na maituturing na guilty si Duque sa paggiit nitong walang itong kinalaman, sa implementasyon ng kontrobersiyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) sa kabila na ito ang tumatayong Chairman ng PhilHealth Board.
Samantala… tiwala rin si Sotto na magbabago ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay kay Duque oras na makita nito ang rekomendasyon ng Senado.