Senate resolution na layuning gawing ebidensya ang K9 detection at swabbing ng drug samples, welcome sa PDEA

Manila, Philippines – Welcome development para sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Senate resolution na humihiling na parehong tanggapin bilang ebidensya sa korte ang K9s detection at ang swabbing ng drug samples.

Kaugnay pa rin ito sa natunton na dalawang magnetic lifters na nakalusot sa Manila International Container Port (MICP) na hinihinalang naglalaman ng P2.4 billion na shabu.

Nakasaad sa Senate resolution no. 888 na isinusulong ni Senador Manny Pacquiao na dapat maglabas ang Supreme Court (SC) ng rules of procedure para sa presentation at admission ng resulta ng pagkaamoy ng K9s at ng swabbing ng drug samples bilang competent evidence sa drug cases.


Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, makakatulong ang panukala sa pagsusulong ng airtight cases sa korte sa mga paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinasalamatan ni Aquino si Pacquiao dahil mas mapapalalakas na ngayon ang prosekusyon ng mga nasa likod ng naipuslit na droga.

Facebook Comments