Senate version ng Tax Amnesty Extension Bill, makabubuting i-adopt ng Kamara para hindi na dumaan sa Bicameral Conference Committee

Inirekomenda ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda sa Mababang Kapulungan na i-adopt ang ipapasang version ng Senado ng panukalang pagpapalawig sa Estate Tax Amnesty Bill na mapapaso na sa June 14, 2023.

Sabi ni Salceda, kapag nangyari ito ay hindi na kakailanganin pang dumaan ang panukala sa Bicameral Conference Committee na paglalaanan pa nila ng oras gayong hanggang sa susunod na linggo na lang ang kanilang session.

Bunsod nito ay umaasa si Salceda na sa Lunes ay maipapasa na sa third and final reading ng Senado ang panukala at maita-transmit agad sa kanila upang kanilang maratipikahan.


Ayon kay Salceda, napakahalaga na maipasa ang panukala na pakikinabangan ng nasa 920,000 pamilya na hindi natutukan ang pagbabayad ng estate tax kaya tumaas ng tumaas ang penalty.

Dagdag pa ni Salceda, umaayon din ang panukala sa New Agrarian Emancipation Act na isa mga malalaking legislative accomplishments ngayong taon ng Marcos administration.

Facebook Comments