Senate version ng Tax Reform Bill, inilatag na sa plenaryo

Manila, Philippines – Inilatag na sa plenaryo para pagdebatehan ni Senate Committee On Ways And Means Chairman Senator Sonny Angara ang bersyon ng senado ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion on TRAIN Bill.

Sa committee report ni Angara, ang kumikita ng nasa 150,000 pesos na taunang taxable na sweldo ay exempted sa buwis at wala ding kakaltasing buwis sa hanggag 82,000 pesos pababa na 13th month pay at iba pang bonus.

Kasama ding makikinabang sa income tax exemption ang mga manggagawa na kumikita ng hanggang 25,000 pesos kada-buwan pababa na mayroong apat na dependent.


Ayon kay Angara, sa datos ng Bureau of Internal Revenue o BIR, aabot sa 99% ng 7.5 milyong nagbabayad ng income tax ang makikinabang sa mas mababang tax rate.

Aabot naman aniya sa 81% o 6.1 milyong manggagawa ang hindi na pagbabayarin ng buwis mula sa kasalukuyang 2 milyon manggagawa lamang na kumikita ng minimum wage.

Kasama din sa panukala ang reporma sa pagpapataw ng estate tax, donor’s tax,buwis sa petroleum products, at mga sasakyan.

Nakasaad din ang dagdag na buwis sa matatamis na inumin pero exempted ang gatas, 3-in-1coffee, 100 percent natural and fruit juices at meal replacement o medically indicated beverage.

Facebook Comments