Senator Angara, nag-donate ng plasma para sa isang COVID-19 patient

Nag-donate si Senator Sonny Angara ng kaniyang dugo o plasma para sa isang lalaking may malubhang COVID-19 infection at naka-ventilator sa isang ospital sa Quezon City.

Ginawa ito ni Angara makaraang sabihin ng kaniyang mga doktor na maaring makasagip ng buhay ang kaniyang dugo dahil nagkaroon sya ng anti-bodies matapos gumaling mula sa COVID-19.

Kung pwede lang ay nais ni Angara na mag-donate araw-araw ng kanyang plasma para makatulong pero kada ika-14 na araw lang daw ito pwedeng gawin.


Hinikayat naman ni Angara ang mga katulad niya na gumaling sa COVID 19 na magbigay din ng plasma o dugo para makasagip ng buhay.

Kaugnay nito ay umapela si Angara sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF) at mga Lokal na Pamahalaan na magpalitan ng data ukol sa mga COVID-19 survivors para mahikayat ang mga ito na mag-donate ng dugo habang pino-protektahan ang kanilang privacy.

Facebook Comments