Senator Bam Aquino, Exclusive Interview sa RMN Naga – DWNX

Palaban sa kanyang mga pahayag para sa mga panukalang mahalaga sa taumbayan si Senator Bam Aquino.

Sa exclusive interview ni RadyoMaN Grace Inocentes ng RMN DWNX Naga sa programang Doble Pasada, binigyang diin ni Senator Aquino na dapat labanan ang mga bagay-bagay, polisiya at panukalang batas na magpapabigat sa kalagayan ng ating mga kababayan.

Idinagdag pa niya na sa pagsusulong nga mga panukalang batas, dapat konsultain ang mamamayan kung ang mga ito ba ay mahalaga sa kanilang kalagayan, nakakatulong ba para mapagaan ang kanilang pamumuhay.


Ayon pa kay Aquino, kailangang mapakinggan ang boses ng mga sektor ng mga magsasaka, driver, mangingisda, at iba pang ordinaryong mamamayan sa pagpanukala ng mga batas dito sa ating bansa.

Dapat din aniyang labanan ang mga batas na nagpapabigat sa buhay lalung-lalo na sa pang-ekonomiyang kalagayan ng ating mga maliliit na sektor ng lipunan.

Magugunitang noong kapanahunan ng kampanya sa pagka-Presidente at Bise -Presidente noong 2016, si Senator Bam Aquino ang gumabay bilang campaign strategist-manager ni VP Lenny Robredo. Kaya malinaw din sa pahayag ng senador na patuloy ang kanyang pagsuporta kay VP Lenny at magkasama sila sa pagsulong ng mga programang makakatulong upang mapagaan ang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan.

Facebook Comments