Mga kagamitan sa pagbibigay ng anunsyo sa publiko sa mga istasyon ng tren ng MRT-3, napalitan na ng bago

Tuloy-tuloy ang pag-upgrade ng mga kagamitan ng MRT-3 bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa mainline.

Matapos mapagana ang mga escalator, napalitan na rin ang mga lumang Public Address System sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3 na ginagamit sa pagbibigay ng mga anunsyo publiko o bulletin sa mga nasa istasyon ng tren.

Ang mga bagong PA system ay mayroong USB input at maaaring makapagbigay ng anunsyo sa magkahiwalay na bounds (Northbound o Southbound).


Una na ring nakapag-install ng mga bagong signal lights, platform monitors at CCTV cameras ang MRT-3 sa mga istasyon nito, habang nakapag-upgrade na rin ng mga equipment at facilities sa depot.

Facebook Comments