VP Leni Robredo, nag-self-quarantine

Sumasailalim na sa self-quarantine si Vice President Leni Robredo makaraang makasalamuha ng nagpositibo sa Coronavirus.

Ito ay kasunod ng exposure nito sa isang indibidwal na tinamaan ng COVID-19.

Sa kaniyang Facebook post, inamin ni Robredo na nag-develop siya ng mga sintomas ng naturang virus.


Kahapon pa ay sinimulan ng ikalawang pangulo ng bansa ang kaniyang “self-quarantine”.

Matatandaan na ilang beses na rin na sumailalim sa 14 days self-quarantine si Robredo matapos makasalamuha ang ilang mga taong nagpopositibo sa Coronavirus.

Facebook Comments