Senator Binay pinababawi ang deployment ban sa mga healthcare workers

Umapela si Senator Nancy Binay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bawiin ang deployment ban sa mga healthcare workers.

Giit ni Binay, hindi dapat pigilan ang mga healthcare workers na makapagtrabaho sa ibang bansa kung hindi ito mabibigyan ng trabaho ng gobyeno.

Ikinatwiran ni Binay, na kung walang trabaho at benepisyo na maipagkakaloob ang pamahalaan sa kanila ay hindi tama na pagkaitan ang mga ito ng pagkakataon na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.


Ayon kay Binay, malaking pressure sa mga healthcare workers kung paano maitatawid ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemya.

Kaugnay nito, ay pinawi ni Binay ang pangamba na magkukulang ng mga healthcare workers sa bansa kapag inalis ang deployment ban.

Tinukoy ni Binay na base sa 2017 data ng Department of Health ay mayroong higit 750,000 licensed medical professionals sa bansa.

Facebook Comments