Senator Bong Go, binigyang diin ang kahalagahan ng agrikultura sa pagbangon ng ekonomiya

Nagbigay ng tulong ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go, kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, sa mga magba-baboy at iba pang manggagawa sa agrikultura sa Alubijid, Misamis Oriental, na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya at maging sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar.

Sa video message, kinilala ni Go ang kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa pagpapabuti ng food security at ipinaalala sa concerned agencies na tuparin ang kanilang mga pangako habang isinusulong ang kapakanan at proteksyunan ang intertes ng mga manggagawa.

Naniniwala si Go na mabilis na maibabalik ang sigla ng ekonomiya kung palalakasin ang sektor ng agrikultura sa mga probinsya.


Idinagdag pa ng senador na dapat suportahan ang mga magsasaka at mangingisda at tulungan silang malampasan ang paghihirap dulot ng pandemya dahil ang kanilang sektor ang bubuhay sa bansa pagkatapos ng krisis na ito.

Namahagi ang staff ni Go ng mga pagkain, vitamins, masks at face shields sa kabuoang 281 agricultural workers sa Alubijid covered court.

Nagbigay din sila ng mga bagong sapatos at bisikleta sa ilang piling residente, pati na rin computer tablet na magagamit ng kanilang mga anak sa blended learning.

Namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food packs habang karagdagang vitamins ang hinandog ng Department of Health (DOH).

Ang Department of Agriculture (DA) naman ay namahagi ng indemnification payments na nagkakahalaga ng P5.98 million o P5,000 kada culled hog sa bawat farmer.

Bilang chair ng Senate Committee on Health, pinaalalahanan ni Go ang mga residente na huwag pabayaan ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya.

Para sa serbisyong medikal, hinimok niya ang mga ito na magtungo sa kanyang opisina o bumisita sa Malasakit Center na matatagpuan sa Northern Mindanao Medical Center o J.R. Borja General Hospital sa Cagayan de Oro City.

Sa huli, kinilala at pinasalamatan ni Go sina  DA Undersecretary Kristine Evangelista, DSWD Regional Director Mari Flor Libang, DOH Regional Director Dr. Jose Llacuna, Jr., Mayor Emmanuel Jamis at iba pang mga opisyal sa kanilang pagtulong sa mga magsasaka.

Facebook Comments