SENATOR BONG GO, PERSONAL NA NAMAHAGI NG LIVELIHOOD ASSISTANCE CAGAYAN

Personal na namahagi ng tulong si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa bayan ng Enrile at Tuguegarao sa probinsya ng Cagayan kahapon, Disyembre 18, 2022.

Pinangunahan ng Senador ang pamamahagi ng mga sewing machine sa mga miyembro ng One Enrile Development Association sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) R02.

Nag-abot din siya ng tig P3,000 halaga ng tulong pinansyal sa kabuuang 500 na mga solo parents at mga sepulturero sa lungsod ng Tuguegarao sa ilalim naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o (AICS).

Namahagi rin ang senador ng mga grocery, face mask, sporting goods, at nagpa-raffle ito ng tatlong bisikleta, at tatlong smartphone para sa mga mag-aaral.

Dumalo si Senator Go bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-23 Cityhood ng Tuguegarao kahapon.

Nakasama rin ng senador sa kanyang pagbisita sina Isabela Governor Rodito Albano, batikang aktor na si Philip Salvador, RD Lucy Allan ng DSWD, Mayor Miguel Decena, iba pang LGU officials, consultants, department heads, PNP at BFP.

Facebook Comments