BANGGAAN NG SUV AT VAN SA TAGARAN, CAUAYAN CITY NASA SIYAM NA KATAO SUGATAN

Nangyari ang nasabing insidente bandang alas-dyes ng gabi nitong araw rin ng Sabado sa nabanggit na lugar.

Patungo umanong hilagang direksyon ang Van habang sa kasalungat na direksyon naman ang SUV.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay doon na nangyari ang nasabing bangaan.

Sa lakas ng impak ay nawasak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.

Bumangga rin ang SUV sa bakod ng GSIS.

Bilang resulta, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang siyam (9) na katao na lulan ng van gayundin ang tsuper ng SUV, na agad namang idinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Nagpapagaling na ngayon ang mga nasugatan sa nasabing insidente.

Hindi na rin inilabas pa ang pagkakakilanlan ng mga involve sa nasabing banggaan at maaring magka-areglo na lamang umano ang dalawang panig.

Kaugnay n’yan, pinapayuhan naman ng mga otoridad ang lahat ng mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ngayong tag-ulan at madulas ang mga kalsada.

Facebook Comments