Senator Cayetano, tiniyak ang pagbalanse sa foreign policy ng bansa

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Allan Peter Cayetano na kapag naupo na siyang kalihim ng Department of Foreign Affairs ay tutukan niya ang pagbalanse sa foreign policy ng bansa.

Sabi ni Cayetano, makikipagpulong siya sa mga opisyal ng DFA upang makakuha ng input kung paano mapapaganda ang pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Cayetano na importante ang maaayos na pakikitungo ng Pilipinas sa international community lalo na sa mga bansang mayroong Pilipino.


Ginarantyahan din ni Cayetano ang pagsusulong sa soberenya at intres ng bansa, territorial integrity at pambansang seguridad.

Nangako din si Cayetano na tutulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na maitaguyod ang kapakanan ng mamamayang Pilipino lalo na yaong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Bunsod nito ay sisikapin ni Cayetano na mapabilis ang proseso ng pagkuha ng pasaporte makagaan sa mga Overseas Filipino Workers.
DZXL558

Facebook Comments