TV program ni Pangulong Duterte na “Mula Sa Masa, Para Sa Masa” – aarangkada na

18

Manila, Philippines – Aarangkada na sa government station ang TV program ni Pangulong Rodrigo Duterte na may titulong “Mula Sa Masa Para Sa Masa.”

Base sa teaser na ipinalabas ng presidential communications office, magiging co-host ng pangulo sa programa ang tv journalist na si rocky ignacio.

Gayunman, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na wala pang eksaktong petsa kung kailan eere ang TV program ng Pangulo.

Ayon kay Andanar, layunin ng programa na maipabot sa masa ang mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Mismong sa Pangulo, direktang maririnig at makikita ng taong bayan ang mga programa administrasyon.

Ang orihinal na konsepto ng programa ay mula sa dating TV at radio show ni Duterte noong siya’y alkalde pa lamang ng Davao City na may titulong “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa”.

Sa nasabing program aniya kaagad bibigyan ng sagot ni Duterte ang mga tanong at problema ng kanyang mga nasasakupan.
DZXL558

Facebook Comments