Senator De Lima, dismayado sa kawalan ng konkretong programa ng gobyerno para sa mga manggagawa

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Leila De Lima na bigo ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mangagawa.

Binigayng diin ni De Lima na walang konkretong programa ang pamahalaan upang tugunan ang problema ng mga mangagawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng trabaho at kawalan ng tiyak na kabuhayan, at kontraktuwalisasyon.

Ito ay dahil makalipas aniya ang halos isang taon ng rehimeng Duterte, walang ibang bukambibig ang Pangulo kundi ang giyera laban sa droga na kumitil na ng mahigit walong libong buhay na karamihan ay mga mahihirap.


Ayon kay De Lima, sana ay magising na ang rehimeng ito sa katotohanan at sa halip na itutok lang ang pansin sa adiksyon ng Pangulo sa karahasan at patayan, ay tuparin ang pangakong pagsilbihan ang ating mga kababayan.

DZXL558

Facebook Comments