Cartographic sketch ng suspek sa pagpaslang sa municipal councilor ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao, inilabas na ng pulisya

92

Manila, Philippines – Inilabas na ng pulisya ang cartographic sketch ng suspek sa pagpaslang sa municipal councilor ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

Ayon kay Tacurong City PNP Chief P/Supt. Rannie Hachuela, ang sketch ay base sa mga pahayag ng mga testigo.

Una rito, nasawi sa pamamaril ang konsehal ng nasabing bayan na si Narhasin Malaguia Ulangkaya na noo’y dumadalo lang sa isang kasalan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng salarin.

DZXL558

Facebook Comments