Senator De Lima, kinumpirma ang mahigpit na pagbabawal ng pagdalaw sa kanya sa kulungan

Kinumpirma ni Senator Leila De Lima ang mahigpit na pinagbawal na sya ay tumanggap ng dalaw simula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon noong Marso hanggang ngayon na umiiral na ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay De Lima, hindi pinagbigyan ng Philippine National Police (PNP) ang kanyang pakiusap na payagang makadalaw ang kanyang pamilya at staff sa kulungan nya sa PNP Custodial Center.

Bukod sa request ni De Lima ay may ipinadala ding liham kay PNP Chief Archie Gamboa sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.


Sa liham na may petsang May 23, 2020 ay iginiit ng Opposition Senators na ilegal at labag sa Constitution ang incommunicado detention or solitary confinement na ipinapatupad kay De Lima.

Nakasaad sa liham na labag din ito sa Universal Declaration of Human Rights at sa International Covenant on Civil and Political Rights.

Facebook Comments