Senator De Lima, nababahala sa epekto sa mga mahihirap ng Tax Reform Package ng administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Nagpapahayag ng pag-alalala si Senator Leila M. de Lima sa magiging epekto sa milyun-milyong mga mahihirap na pamilya ng isinusulong ng administrasyong Duterte na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Bunsod nito ay inihain ni Senator De Lima ang Senate Resolution No. 407 na humihiling sa Senado na busisiin ang magiging apekto ng nabanggit na Tax Reform Package na nakapasa na sa Mababang Kapulungan.

Nakapaloob sa nasabing tax reform ang pagpapababa sa personal income taxes at estate taxes pero papatawan nito ng dagdag na buwis ang produktong petrolyo, sugar sweetened beverages, at mga bagong sasakyan.


Puna ni De Lima, magdudulot ang nasabing dagdag na buwis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaya lalo lamang mahihirapan ang mga maralitang Pilipino.

Tinukoy ni De Lima ang datos mula sa Philippine Statistics Authority, na nasa 6.6 percent o halos 4.6 milyong mga Pilipino ang walang trabaho at tiyak na maaapektuhan ng dagdag buwis.

Bunsod nito ay iginiit ni Senator De Lima na posibleng mas malaki ang negatibong epekto sa halip na makabuti sa ating ekonomiya ang nasabing Tax Reform Package ng Duterte administration.

Facebook Comments