Nakiusap si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mamamayan na bigyan ng tyansa ang Anti-Terrorism Law na isinabatas para labanan ang terorismo.
Kasabay nito, nagpasalamat si dela Rosa sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terror Law.
Pagtitiyak niya na mananagot ang sinumang aabuso gamit ang Anti-Terror Law dahil may safeguards na nakapaloob dito para hindi magamit sa pag-abuso.
Inaasahan na rin anya ang pagdulog sa Korte Suprema ng mga tumututol sa Anti-Terror Law.
Bukod kay dela Rosa ay nauna ng nagpahayag din ng pasasalamat sa pagsasabatas sa Anti-Terrorism Act sina Senate President Vicente Tito Sotto III at sina Senator Panfilo Ping Lacson at Francis Tolentino.
Facebook Comments